MMLBB Academy
← All GuidesGuide ni Carmilla (Tagalog)
Carmilla

Guide ni Carmilla (Tagalog)

<***I<***I· 11 views· votes

Overview

Puro Crowd Control Skills nya lalo na ulti. kaya kung bagay sayo na palagi kang nasa teamfight, pwede to sayo.

Strengths

Maganda to lalo na sa Teamfight dahil sa ulti niya, kailangan magandang timing na din. maliit ang percentage nya sa ban at pick rate kaya medyo di nyo makitaan ng potential. pero kapag marunong ka gumamit, wala nang papalag sayo sa teamfight.

Weaknesses

mga nakita kong weakness ay: - anliit ng regen ni carmilla sa first skill niya, kaya wag ka masyadong agresibo kasi di gaanong sustain to. - palagi kang uuwi sa base kasi nga mahina regen, unless nalang kapag bibili ka ng guardian helmet. (pero ma sasacrifice mo din isang slot ng item mo kung bibila ka.) - mataas cooldown ng ulti nya early - mid, kaya timingan mo ulti mo.

Prio Early

Perfect din to sa early. Rapid Boots - useful to pag dadalaw ka kasi bibilis ka lalo sabay sa emblems. Molten Essence - useful din to sa early para maka tulong mag sabay fast clear and makapag rotate at objective ng mabilis (Pero wag mo to iupgrade sa cursed helmet.) benta mo na din kapag late game na. Dominance Ice - Sobrang Prio to. Perfect to sa Passive mo na magdadagdag hybrid defense na lalong kukunat ka habang tumatagal. magkaka effect yung passive na to lalo na pag mag cacast ka ng Ult.

Balanced Mid-Late

Kapag mag Mid-Late na, depende na talaga sa sitwasyon ang item mo. Pero eto usually build ko kapag balanced. Antique Cuirass - Lalo kukunat ka sa mga physical skill-based hero yung kalaban. Radiant Armor - di ka naman mabuburst sa kalaban kaagad kasi makunat kana sa natanggap na hybrid defense, so eto nalang ginagamit ko kapag tumatagal sa teamfight, lalo ka kukunat. Charitise Pauldron - eto naman pantapat mo sa mga mm kapag teamfight, kasi ikaw sasali sa mga damage nila. at habang ginagawa mo yon, lalo silang babagal umatake.

Protection or Survivability

Eto naman last item mo para sa survival sa teamfight. Immortality - eto muna kukunin mo para mag survive ka, at kapag nawala na ang passive neto, may 210s pa bago magkakapasive ulit. benta mo to kapag walang passive kasi every minute matters, madaming nangyayari kada segundo. Winter Crown - eto iswap mo kapag wala nang passive ang immortality mo, parepareho lang ang passive neto. benta mo na din kapag wala nang passive. Blood Wings - at eto ang last na bibilhin mo kapag walang passive yung dalawa. magkaka shield ka neto para sa Survivability mo kasi every 20s mag regenerate ang shield.

Prio Speed habang Tanky

Emblem: Tank - perfect to sa passive mo na nagdadagdag hybrid defense habang umaatake ng matagal. Talents: Agility and Wilderness Blessing - perfect to sa 2nd skill mo na lalong mas bibilis ka sa jungle and river kapag dadalaw ka sa mga lane. Concussive Blast - Perfect to after casting ng Ult mo na mas lalo magkaka recieve ng damage kapag nag lilink ang mga target.

Battle Spell

Perfect ang Petrify lalo na sa Ult mo. Pwede mo gamitin before pag cast ng Ult if sa tingin mo alanganin yung timing at makakatakas sila, Pwede din to after cast ng Ult mo, sa effects ng Ult, magkaka link ang mga targets at magkaka recieve sila ng damage sa mga nagkaka link. alam naman natin na may 1s immobalized after pagkaka cast ng ult, sabayan mo din to ng petrify na magakaka dagdag ng 0.8s na di makakagalaw.

Early Game

eto yung ng dedepende sainyo early. 1st - tumulong ka mag damage sa jungler nyo para makapag rotate ng mabilis 2nd - pagkatapos mo tumulong sa jungle, punta ka kagad sa mid at mag fast clear para makapag rotate yung midlaner nyo. 3rd - pagkatapos mag fast clear, tumulong ka mag fast clear sa sidelane at mag vision ka sa jungle nila or kung sino. 4th - tuloy mo lang gawin yon (bonus na din kapag may mapitas kayo ng maaga) hanggang sa first turtle. 1st turtle - dapat sa gantong oras, level 4 ka na. kasi malaki ang impact neto kapag level 4 kana. mag zozone ka at aabangan mo ang teamfight. make sure din na tapos mag clear yung mga side lane para makapag sabay sa objective.

Midgame

eto yung nakakapagod na part. - Ang purpose mo dito ay babantayan mo lahat ng lane. - dadalawin mo talaga lahat, at sa tulong ng emblem at sa rapid boots, mas lalo kang bibilis dumalaw. - tumulong ka din mag zone at pitas para sa jungle nyo kung sa paningin mo makakapitas talaga kayo. - make sure wag mo aksayain ang Ulti mo kasi mataas ang cooldown.

Lategame

- Sa part na to, matuto ka umatras kapag magvivision ka tas madaming kalaban. matagal ka mabubuhay ulit kasi tatagal ang cooldown kapag tumatagal ang laro. - dapat din matuto ka gumamit at mag timing ng Ulti mo, kasi sayo nakakadepende ang sitwason. - at dapat may map awareness ka sa lahat ng parte ng mapa. samahan mo din yung mga nag sosolo sa mapa, kasi sila yung madalas mamamatay kapag nag pipick off kalaban.

Best With Cecilion

Unang una syempre si cecilion, kasi may passive sila na maabsorb niya si carmilla at ibabato ulit. at kapag nagawa yon, narereset yung mga skill ni carmilla.

Watch Out For Gloo

Maganda to counter sa gloo kasi mas lalo kang mag heheal kapag nag 2nd skill si gloo sayo. at kapag nasaniban ka naman, di ka mamamatay kasi makunat ka. may possibility din na dalhin ka ni gloo sa mga kampi niya at pwede din yang opportunity na madami kang madadamay pag nag cast ka sa ulti mo.

Guide ni Carmilla (Tagalog) · MLBB Academy